Ang Kolonisasyon at ang Pagbagsak ng Espanya: Pagpapakilala
Sa aming diskusyon sa klase, may mga atktibidades kaming isinagawa upang mabaliktanaw ang aming kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, mula noong panahong dumating ang mga Kastila upang tayo ay sakupin hanggang sa panahon ng rebolusyon at makamtan natin ang kalayaan. Dito ay binigang liwanag kung paano isinagawa ang ng mga Kastila ang kanilang pananakop at kung paano tayo, mga Pilipino, ay lumaban para sa kapakanan ng ating Inang Bayan at ng ating kalayaan.
Ang Kolonyalismo ay isang gawi kung saan ay ang paglipat ng mga mananakop patungo sa isang bansang kolonya at manatili doon upang manirahan at angkinin ang mga lupain sa ngalan ng kanilang bansa.
Sa yugtong ito ay ipapaliwanag kung paano niyuranan ng bansang Espana at pilit na alisin ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino hanggang sa mga aksyon nating mga katutubo upang pabagsakin ang Espanya.
Ang Epekto ng Kolonyalismo
Mga Pangyayari sa panahon ng Kolonyalismo
- Paglaganap ng mga Hacienda
- Ang Pagpapakilala sa salapi
- Ang pag-usbong ng gitnang uri o mga Ilustrado
- Ang konsepto ng nasyon ay nabuo sa konsepto ng kapitalismo
- Lupa ang pinagkukunan ng mga yaman
- Ang simula ng pagkakabuklod ng mga isla ng Pilipinas
- Pagtataas ng krimen
- Padtaas ng prostitusyon
- Legal na pag gamit ng opmium at sugal
- Paglaganap ng monopolyo
- Mga kalamidad na dulot ng deforestation