Linggo, Mayo 11, 2014

Ang Kursong Rizal, Ang Basehan nang Pagtuturo Nito at Ang Pilipinas Noong Dekada 50

Sariling Komentaryo

Isang malaking katanungan nating mga estudyante kung bakit kailangang ituro ang kursong Rizal hindi lamang sa kolehiyo kundi sa mataas na paaralan. Marahil malabo sa ating mga Pilipino sa panahong ito kung bakit. Bakit nga ba ito mahalaga? Ano nga bang mapapala natin kung malalaman natin ang mga akda at mga bagay na isinulat ng ating pambansang bayani?   


Sa aking sariling opinyon, sa pagtuturo ng kursong ito, hindi lamang natin makikilala kung sino talaga si Rizal (historical) kundi malalaman natin kung sino talaga siya, mabubulatlat natin hindi lamang ang kaniyang nakaraan kundi pati na rin ang mga desisyon niya at kanyang mga imperpeksyon sa buhay. Makatutulong din ang kursong ito sa pagpapalaganap ng konsepto ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan. Sa kursong ito ri'y maipakikita ang kahalagahan nang paglaban ng ating nasyon noong mga panahong sakop tayo ng mga mapanamantalang mga kastila na pinatay ang konsepto ng pagiging radikal noong dumaong sila sa ating bayan.


ANG PILIPINAS NOONG DEKADA 50

Noong panahon pagkatapos nang ikalawang digmaang pandaigdig (World War II) ay ang panahon ni Elpidio Quirino kung saan umiigiting ang paglaban ng mga Huk at ang panahon rin na kung saan ang ekonomiya ng Pilipinas ay nalulugmok. Itong panahon ring ito'y itinalaga bilang kalihim ng Hukbong Sandatahan si Ramon Magsaysay. Upang mapakalma at matahimik ang pag-aalsa ng mga huk ay ipinahiwatig na ipamahagi ang mga lupain ngunit ito ay hindi pinayagan lalo na ng mga haciendero at mga mag-ari ng mga lupain na malakas ang impluwensya at kapit sa gobyerno. Noong 1954 dahil sa pagkadakila at karisma ni Magsaysay, sumuko ang mga Huk. Dahil sa kanyang kadakilaa'y pinagkatiwalaan siya ng mga mamamayan  at hinirang na presidente ng Pilipinas. Isa sa mahahalagang bagay na nangyari noong panahon ni Magsaysay ay ang pagsasabatas ng RA 1425. Ano nga ba ang RA 1425?



Republic Act of 1425 


Ang pagtuturo ng buhay at mga akda ni Jose Rizal ay base sa isang Republic Act ng ating bayan, ang RA 1425 o mas kilala bilang "Rizal Law" na pinasinayaan ni Presidente Ramon Magsaysay. Ang mga sumusunod ang nilalaman ng naturang batas:




REPUBLIC ACT NO. 1425

REPUBLIC ACT NO. 1425 - AN ACT TO INCLUDE IN THE CURRICULA OF ALL PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS, COLLEGES AND UNIVERSITIES COURSES ON THE LIFE, WORKS AND WRITINGS OF JOSE RIZAL, PARTICULARLY HIS NOVELS NOLI ME TANGERE AND EL FILIBUSTERISMO, AUTHORIZING THE PRINTING AND DISTRIBUTION THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES

WHEREAS, today, more than any other period of our history, there is a need for a re-dedication to the ideals of freedom and nationalism for which our heroes lived and died;

WHEREAS, it is meet that in honoring them, particularly the national hero and patriot, Jose Rizal, we remember with special fondness and devotion their lives and works that have shaped the national character;

WHEREAS, the life, works and writing of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, are a constant and inspiring source of patriotism with which the minds of the youth, especially during their formative and decisive years in school, should be suffused;

WHEREAS, all educational institutions are under the supervision of, and subject to regulation by the State, and all schools are enjoined to develop moral character, personal discipline, civic conscience and to teach the duties of citizenship; Now, therefore,

Section 1.   Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities, public or private: Provided, That in the collegiate courses, the original or unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo of their English translation shall be used as basic texts.

Section 2.   It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate number of copies of the original and unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as of Rizal's other works and biography. The said unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their translations in English as well as other writings of Rizal shall be included in the list of approved books for required reading in all public or private schools, colleges and universities.

The Board of National Education shall determine the adequacy of the number of books, depending upon the enrollment of the school, college or university.

Section 3.   The Board of National Education shall cause the translation of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as other writings of Jose Rizal into English, Tagalog and the principal Philippine dialects; cause them to be printed in cheap, popular editions; and cause them to be distributed, free of charge, to persons desiring to read them, through the Purok organizations and Barrio Councils throughout the country.

Section 4.   Nothing in this Act shall be construed as amendment or repealing section nine hundred twenty- seven of the Administrative Code, prohibiting the discussion of religious doctrines by public school teachers and other person engaged in any public school.

Section 5.   The sum of three hundred thousand pesos is hereby authorized to be appropriated out of any fund not otherwise appropriated in the National Treasury to carry out the purposes of this Act.

Section 6.   This Act shall take effect upon its approval. Approved: June 12, 1956



Nakalagay sa itaas kung ano ang mga probisyon na nilalaman ng naturang saligang batas. Pero upang mapasinayaan ang batas na ito ay dumaan pa ito sa tatlong linggong diskusyon sa senado at sa kamara.

Dumaan din ang batas na ito sa mga pagsubok para maaprubahan at maiparating sa mga mamamayan ng ating minamahal na Inang Bayan ang pagpapahalaga ng ating kamalayan at kalayaan.


Mga Detalye at Ang Pakikipagsapalaran ng Senate Bill 438 at House Bill 5561



Ang Republic Act No. 1425 o "Rizal Law", ay unang nakilala sa pangalang Senate Bill na inilunsad ni Claro M. Recto sa Sendado noong ika-3 ng Abril 1956 at sinuportahan ng lahat maliban sa tatlong senador at binatikos sa mataas na kapulungan. Noong Abril 1756, si Jose P Laurel, bilang Pinuno ngkumite ng edukasyon ay sinuportahan ang nasabing pagpapatupad ng panukalang batas.

Ang orihinal na batas ay naglalaman ng sapilitang pagbasa ng Noli at Fili lamang. Isa sa kanyang mga argumento ni Laurel sa kanyang talumpati ay para mapalaganap ang mga ideya at mga ideolohiya ng pagiging makabayan at kung paano natin nakamtan ang kalayaan noong panahon ng ating pambansang bayayi na sumasalamin sa buhay natin mga Pilipino lalo na sa panahon pagkatapos ng pangalawang digmaang pandaigdig at magkasunod na pananakop nang bansang Amerika at Hapon . Isa rin sa kanyang mga sinabi ay ang pagbuhay ng atying mga mamamayan sa pagmamahal sa ating bayan. Ngunit ang mga kalaban ng batas na ito ay mga kristiyano sadarado de-kandado at ang panilang pananaw ay sinisiraan ang kanilang relihiyon kung mapapasinayaan ang naturang batas at sinabi nilang erehe at binabastos ang Panginoon ang nilalaman ng panukalang batas.

Ang debate sa naturang panukalang bataas ay nagsimula nboong ikaw-23 ng Abril 23, 1956 na pinangunahan nina Senador Laurel at mga nasyonalistang katurang na kung saan nabibilang si Claro M. Recto. Sa kabilang kampo nama'y ang mga Senador na sina Cuenco, Rodrigo at Rosales na kilala bilang kakampi ng simbahan. Sinabi ni Recto sa kanyang talumpati na ang naturang pankulang bataas ay para bigyang halaga ang kontribyusyon ni Rizal sa pagtuligsa sa kasaan ng kolonyang Espanya sa ating bansa. Isa rin sa kanyang mga tinalakay ang ang pagiging bukas ng isip ng mga Piulipino, ang kamalayan ng bansa at ang pagmamalaki nang ating kasarilan ng pagiging Pilipino. Sa kabilang dako, ang kalaban ng panukalang batas ay kumuha ng simpatya at suporta mula sa simbahang katolika at mga mananampalataya nito. Isa rin sa kanilang mga argumento ay ang pagpwersang pagbasa ng mga naturang libro ay kawalan ng kalayaan sa relihiyon.



Ang mapusok na pagtutuos ng mga ideolohiya ay umabot rin sa kamara nang si Jacobo Gonzales ay inilatag ang House Bill 5561 na kawangis nang Senate Bill 438. Ang debate ay nagsumula noong ika-9 ng Abril ngunit noong araw din iyon ay nanglabas ng bagong amyenda na kung saan inalis na ang pagiging sapilitang basahin at insinama ang buhay, mga akda at mga iba pang ginawa ng ating pambansang bayani. Pilit paring tinuligsa ng mga kalaban nito ang unang seksyon nang amyenda ngunit hindi sila nagwagi sa pagkakataong ito. At dito rin nangyari ang kundisyon sa pa paglilibre ng mga estudyante sa pag-babasa nang mga naturang akda sa pamamagitan ng isang pormal na apila. Ang naturang panukalang batas ay naaprubahan sa parehong araw at nanalo sa pangalawang pagbasa. Ang nasabing saligang batas ay nagwagi sa mataas na kapulungan at sa kongreso ay parehong naaprubahan noong ika-17 ng Mayo 1956.

Noong ika 12 ng Hunyo ang saligang batas ay pinirmahan ni Presidente Ramon Magsaysay at naging Republika Kumikilos Bilang 1425.


Insights




  • Ang pag-aaral nang kursong Rizal ay makatutulong para mas maging bukas ang ating isipan sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa ating bansa.
  • Malalaman natin ang pinagmulan nating mga Pilipino at kung ano nga ba ang ating pinagdaanan upang makawala sa kadena ng mga mapanamantalang mananakop.
  • Kung paano tayo magiging isang nasyon at  Pilipino.
  • Para mas maging mapanuri tayo at mas maging radikal.
  • Para maipagbunyi natin ang katapangan ng ating mga bayani sa pagkamit ng kalayaan
  • Upang higit nating makilala si Rizal, hindi lamang ang kanyang mga ginawa, kasama na rin ang kanyang imperpeksyon bilang isang tao.




References: PI 10 Republic Act 1425 pdf. Copy. University Of The Philippines Los Baños
                 https://fbcdn-sphotos-b-a.akamaihd.net/hphotos-ak-                                                                         frc3/t1/1655948_622154281173573_1309742582_n.jpg
    -------Other References to Follow-----------




Walang komento :

Mag-post ng isang Komento