Linggo, Mayo 18, 2014

Overall Insights sa PI 10!

  • Ang pagbuo ng sariling Rizal sa ating sarili.
  • Ang  pakikipaglaban at kahalagahan ng ating bayan higit pa sa kahit anupaman.
  • Paglinang sa pagmamahal sa bayan.
  • Bigyang Linaw ang mga Kwestyon sa buhay ni Rizal.
  • Ang pagpapalawig ng ating kaalaman.
  • Ang mas malalim na kasaysayan ng Pilipinas.
  • Ang pagpapahalaga sa ating kultura.
  • Dapat nating labanan ang mga bagay na hindi makagaganda sa Pilipinas
  •  Ipaglaban ang karapatan ng bawat mamaamayan.
  • Makibaka hindi para sa iilan lamang! 


Mga iba pang akda ni Jose Rizal na nagpapakita ng kanyang pagmamahal sa bayan.

Marami pang mga isinulat si Jose Rizal, dito mas malalaman natin at mas magiging pamilyar tayo kung ano nga ba ang kanyang ninanais para sa Pilipinas, ang kanyang inang bayan! 

Anotasyon sa "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Antonio 

Insights

  • Europe, 1889
  • Ipinakikita nito na may magandang kasarinlan at kultura ang mga Pilipino noong panahong bago dumating ang mga Kastila
  • Ginamit ni Rizal ang akda ni de Morga upang ipakain sa mga Kastila na mali ang kanilang sinabi na ang Pilipinas ay mga walang alam at sila ay binigyan lang ng liwanag ng Espanya
  • Marumi ang pamamaraan ng panghahamak ng mga Kastila sa mga taga Pilipinas.
  • Ginamitan niya ito ng isang tripartite na Liwanag-Dilim-Liwanag na kung saan tayo nung unang panahon ay naliwanagan , dumilim ang ating kasaysayan at buhay noong dumating ang mga Espanyol at sinira ang ating mga Kultura. Ang muling pagliwanag ng pilipinas ay makakamtan lamang kapag nawala na ang mga mananakop sa Pilipinas.
  • Pagiging makabayan ni Rizal at pagmamahal niya sa mga mamamyanan ng ating bansa.
  • Ang mga tao ay maihahanda sa bagong kabanata at pagbabago
  • Para ipaalam sa mga tao na ang panghahamak ng mga Kastila'y binibigyan tayo ng kababaan ng moral.
  • Ang kalayaan ay makakamit natin kung tayo ay sama sama
  • Kailangang matuto ng mga Pilipino
  • Ang kahalagahan ng Edukasyon


"Letters to the Woman of Malolos"


   Insights

  • Ang mga kababaihan ay katuwang para sa pagbabago ng nasyon.
  • Ang mga kababaihan ay ang mga punlaan ng pagbabago ng bansa.
  • Pabor sa mga kalalakihan ang artikulong ito.
  • Pagatake sa relihiyon sa Pilipinas, ngunit hindi ang relihiyon mismo kundi ang mga tao sa loob nito.
  • Ang ugali ng isang ina ay magiging ugali ng kanyang anak
  • Ang tamang ugali ng mga kababaihan na magbibigay ng liwanag sa kalayaan.

"The Philippines a Century Hence"

   

   Insights

  • Mga pangyayaring magaganap sa Pilipinas kung mangyayari ang rebolusyon ng hindi pinaghandaan.
  • Isang mapanubok na artikulo kung saa'y dapat nating malaman kung ano ang hindi natin alam.
  • Ang pagkakabuklod ng mga magkakasalungat.
  • Ang theorya ng "imagined community" at ang mga pareparehong bagay na nararanasan natin.
  • Ang pagkawalang tiwala sa repormistang agenda
  • Isang malinaw na pagiging seperatista ni Rizal


"The Indolence of the Filipino People"

   Insights

  •  Ang mga Pilipino ay hindi talaga tamad.
  •  Ang pagbukas sa ideya na  ang relasyon ng kasaysayan , kapaligiran at tao ay nakakaapekto sa pagbabago ng tao.
  • Ang pagiging tamad ay natural na sa tao.
  • Ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ay nakaapekto ng malaki sa ugali ng mga Pilipino
  • Ang pag gamit ni Rizal sa medesina upang sabihin ang kanser ng lipunan
  • Ang pag gamit ng kasaysayan para maintindihan natin ang mga pangyayari sa buhay natin
  • Ang kolonyalismo ay nakasama sa ating sa napakaraming bagay
  • Ang konsepto ng "weapons of the weak" bilang pangangga sa mga mananakop.
  • Ang depekto ng mga Pilipino kung bakit sila tinaguriang mga tamad.
  • Ang pagpapahalaga sa Edukasyon. 


"The Religiosity of the Filipino People"

   Insights


  • Isang pag-atake laban sa mga pinuno ng Simbahan.
  • Ang mga maling paniniwala na dinala ng mga mananakop para sa kanilang sariling kapakanan
  • Ang pag gamit ng mga imahe upang paniwalain ang mga pilipino sa kanilang pagkawala ng edukasyon.
  • Ang pagpapahalaga sa Edukasyon
  • Ito ay hindi paglaban sa relihiyon kundi sa mga tao lang na nagpapatakbo ng gobyerno at simbahan.
  • Ang maduming pulitika sa ilalim ng simbahang katolika.





EL FILIBUSTERISMO


Mga natutunan sa mga nilalaman ng akda na patungkol sa panahon ni Rizal:



  • Ang pulikita at simbahan ay pinagmumulan ng pagkakakitaan
  • Ang asimilasyon ay isang pag-asa ngunit kailangan na ng rebolusyon
  • Masasalamin ang totoong buhay. Gumamit siya ng mga totoong pangyayari gaya nang nangyari sa mga taga-Calamba na kinatawan ng karakter na si Tales.
  • Mabigat ang mga salitang binibitawan at nagpapahiwatig ng rebolusyon
  • Ang rebolusyon ay hindi magtatagumpay kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa.
  • Edukasyon ang susi upang tayong makalaya.
  • Ang rebolusyon ay magtatagumpay kung iisa ang minimithi natin at kung iyon ay ang ating kasarinlan

Mga Piling Kabanata Sa El Filibusterismo at mga natutunan

Si Simoun

  • Ang mga kabataan ang pag-asa ng pagbabago ng Pilipinas.
  • Ang dahas ay hindi magandang panglaban para sa kasarinlan, ngunit ito'y kinakailangan.
  • Si Simoun ay nabuhay sa pagkatao ni Elias. Siya ay naging isang rebolusyunaryo at naging isang masamang ehemplo  ng paghihiganti at pagpapahirap sa pilipino ngunit ang kanyang plano ay ang galitin at buhayin ang pagkamakabayan ng mga tao.
  • Ang mga taong naghirap at nagpighati kagaya ni Simoun ay dapat matutong lumaban at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Kayamanan at Karalitaan

  • Pagpapakita ng galit ni Rizal sa mga haciendero sa Calamba
  • Ang pag-aapoy at pagpapahiwatig ng paglaban sa mga mananakop.
  • Ang importansya ng mga pagnanasa ng mga Pilipino.
  • Ang Pilipinas ay isang pugad ng mga mapanamantala.

Ang Huling Yugto
  • Kabataan parin ang pag-asa ng pagbabago.
  • Edukasyon ay nararapat para sa lahat upang hindi tayo mapagsamantalahan.
  • Ang madugong paghihiganti ay hindi magandang paraan ng paglaban para sa kalayaan.
  • Ang kalayaan ay makukuha sa pagsasakripisyo at pagiging isa ng Nasyon.





Sabado, Mayo 17, 2014

NOLI ME TANGERE

Mga Natutunan:

  • Ang Noli ay  pangyayari sa totoong buhay  sa Pilipinas.
  • Ang kalakasan ng Nobelang ito'y nakasalalay sa kanyang ibig sabihin.
  • Hindi isang istorya ng pag-iibigan nina Crisotomo Ibarra at Maria Clara
  • Ang mga tauhan sa istorya ay nirerepresenta ng mga totoong tao sa komunidad ng Pilipinas.
  • Ang pagbabagong naganap sa 2 nobela, mula sa tagalog bilang Filipino.
  • Ang Spoilarium ni Rizal
  • Si Rizal ay hindi maligoy sa kanyang sinasabi at dapat intindihin mo muna ang kanyang akda ng may puso upang malaman ang ibig niyang sabihin.

MGA PILING KABANATA NA NAGPAPAKITA KUNG REBOLUSYUNARO O REPORMISTA BA TALAGA SI RIZAL 

  Ang Tinig ng Mga Inuusig

  • Ay ang pagtatalo ng dalawang representasyon ni Rizal, ang makarepormang bahagi at ang kanyang makarebolusyong bahagi.
  • Ang Kanser ng Lipunan ay ang Espanya at ang mga tagasunod nito
  • Ang kinakailangang kasamaan ay kailangan upang makontrol ang mga tao at magkaroon ng disiplina.
  • Ang kinakailangang kasamaan ay hindi patas.
  • Madarama mo lamang ang pighati kung naranasan mo na ito

 Ang mga Kaanak ni Elias

  • Sa kabanatang ito'y makikita natin ang mga ginawang pasakit ng bansang espanya sa pilipinas.
  • Ang galit ng mga Pilipino'y tumataas na dahil sa kalupitan ng bansang Espanya
  • Ang Pilipinas ay isang pugad ng mga mapagmalupit na mga opisyal ng gobyerno
  • Ang pagpili sa landas na ginagamitan ng utak ay mas pabor kaysa sa landas ng madugong pakikipagbakbakan upang makamtan ang kalayaan.
  • Ang pagpapakita na nanaig ang konsepto ng asimilasyon at reporma.
  

 Ang Habulan sa Lawa

  • Ang Transpormasyong nangyari kay Ibarra noong naranasan niya na ang kalupitan ng mga kastila.
  • Ang buhay ay hindi patas.
  • Ang simula ng pagpapakita ng makarebulusyong anyo ni Ibarra
  • Ang kahalagahan ng kinabukasan ng nakararami at ang pagbubuwis buhay para sa bayan.



Ang Kolonisasyon at ang Pagbagsak ng Espanya: 

Ang kasaysayan ni Jose Rizal

Ayon kay Quebuyen, ang buhay ni Rizal ay mahahati sa limang parte. 


  1. Mapaghugis na Panahon (1861 - 1882)
  • Ang buhay ni Rizal noong kanyang kamusmusan
  • Ang pag-aaral sa Biñan
  • Ang panahon ng pag garote sa GOMBURZA
  • Ang pagkakakulong ni Teodora Alonzo
  • Paglinang ng kanyang mga kakayahan at mga engkwentro sa mga gwardiya sibil
    2.  Unang Paglalakbay sa Europa (1882-1887)
  • Ang paglawak ng kaalaman ni Jose RIzal
  • Ang kanyang edukasyon
  • Pagkabuhay ng diwa ng pagiging makabansa
  • Ang paglalathala ng Noli Me Tangere 
    3. Problemang pang-Agrikultura sa Bayan ng Calamba 
  • Ang pag-iiba ng pagkatao ni Jose Rizal ng maranasan niya ang pananamantala at kalupitan ng mga Kastila. 
    4. Pangalawang Paglalakbay sa Europa (1889-1892)
  • Transpormasyon at pagiging radikal ni Rizal; 
  • Pagtatatag ng Idios Bravos.
  • Higit na pagkakadalubhasa
  • Kumplikasyon sa La Solidaridad
  • Paglalathala ng El Filibusterimo
    5. Sandali ng Katotohanan (1892-1896)
  • La Liga Filipina
  • Ang pagpapatapon sa Dapitan
  • Si Rizal bilang inspirasyon ng rebolusyon
  • Ang pagkakaaresto
  • Ang kanyang pagiging martir

   Balangkas ng Buhay ni Rizal

  • Sa kanyang kabataa'y marami siyang bagay na pinagkakaabalahan. Ang pag gawa ng kanyang mga tula, talaarawan, at sariling talambuhay
  • Ang pagkakalathala ng Noli Me Tangere ay isang malaking pagsubok sa kanya, inisip na siya ay kalaban ng simbahan.
  • Binigyang halaga ni Rizal ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino upang patunayan natin na tayo'y may karangalan at kadakilaan bago dumating ang mga kastila.
  • Ang pagkakalathala ng El Filibusterismo ay lalong nagpainit sa mata ng mga banyaga kay Rizal, nabuhay din ang kanilang kamalayan at umusbong ang konsepto ng nasyonalismo
  • Ang pagtatatag ni Rizal ng La Liga Filipina.
  • Ang Dapitan ay nagbago dahil sa kanyang aking galing at katalinuhan.
  • Inihalintulad at iniugnay ni Rizal ang kanyang sarili sa mga indio.
  • Nalinang ang kanyang pag-iisip sa mga liberal na ideyang nakuha niya sa ibang bansa.
  • Siya ay isang taong alam kung ano ang gagawin para sa kanyang bayan
  • Ang maituturing na unang Pilipino
  • May disiplinadong pamumuhay




    

Miyerkules, Mayo 14, 2014

Ang Kolonisasyon at ang Pagbagsak ng Espanya: Pagpapakilala 

 Sa aming diskusyon sa klase, may mga atktibidades kaming isinagawa upang mabaliktanaw ang aming kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, mula noong panahong dumating ang mga Kastila upang tayo ay sakupin hanggang sa panahon ng rebolusyon at makamtan natin ang kalayaan. Dito ay binigang liwanag kung paano isinagawa ang ng mga Kastila ang kanilang pananakop at kung paano tayo, mga Pilipino, ay lumaban para sa kapakanan ng ating Inang Bayan at ng ating kalayaan.

Ang Kolonyalismo ay isang gawi kung saan ay ang paglipat ng mga mananakop patungo sa isang bansang kolonya at manatili doon upang manirahan at angkinin ang mga lupain sa ngalan ng kanilang bansa.

Sa yugtong ito ay ipapaliwanag kung paano niyuranan ng bansang Espana at pilit na alisin ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino hanggang sa mga aksyon nating mga katutubo upang pabagsakin ang Espanya.


Ang Epekto ng Kolonyalismo 

Mga Pangyayari sa panahon ng Kolonyalismo

  • Paglaganap ng mga Hacienda
  • Ang Pagpapakilala sa salapi
  • Ang pag-usbong ng gitnang uri o mga Ilustrado
  • Ang konsepto ng nasyon ay nabuo sa konsepto ng kapitalismo
  • Lupa ang pinagkukunan ng mga yaman
  • Ang simula ng pagkakabuklod ng mga isla ng Pilipinas
  • Pagtataas ng krimen
  • Padtaas ng prostitusyon
  • Legal na pag gamit ng opmium at sugal
  • Paglaganap ng monopolyo
  • Mga kalamidad na dulot ng deforestation


Heroism Part IV

EPIKO

Ang epiko ay tungkol sa kagitingan ng isang bayani. Ito ay nagtuturo ng mga magagandang asal at kabayanihan. Sa pamamagitan ng mga paggamit ng salitang nakakapagsaad ng mabilis na pangyayari, mga masalimuot na paksa at mga kababalaghang hindi maabot nang pag-unawa ng karaniwang nilalang ang epiko ay nilikha[1]. 


Ang mga epiko ay mga istoryang minana pa natin sa ating mga katutubo na naglalaman ng mga ekstraordinaryong isttorya, mga paniniwala at mga kapasidad ng mga bayani ng ating bayan. Ang pag-aaral ng Epiko ay nagpapakita sa atin ng pinagmulan at kamalayan ng Pilipino. Sa Epiko ri'y tinatalakay ang mga katangian ng isang bayani. Karaniwan, ang mga kalaban o mga halimaw ay mga representasyon ng mga kalamid na pilit na nilalabanan at pinagtatagumpayan nating mga Pilipino. 





REFERENCES



[1]Epiko.http://tagalog-translator.blogspot.com/2007/07/epiko-ang-epiko-ay-isang-mahabang-tula.html


INSIGHTS:

  • Pagiging Pamilyar sa iba't - ibang Epiko na kailangan bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
  • Maipakikita sa Epiko ang katapangan ng Pilipino.
  • Maipakikita sa Epiko ang matalas na imahinasyon  at ang pagkamalikhain ng mga Pilipino
  • Ito ay isang kultura na dapat nating ipagmalaki at pangalagaan sa panghabang panahon


Heroism Part III

Ang Salitang Bayani sa Pilipinas


Ang salitang 'bayani' ay isang Austronesian  salita na dinala ng ating mga katutubo sa ating bayan. Ang mga bayani ay ang mga mandirigma kung saan sila ay nagununa sa pagtatanggol ng pamayanan laban sa mga kinahaharap na mga kaaway at mga panganib. Ang ilang sa mga diribatibo ng salitang bayani ay bajani,majani, bagabnim bahani.

Sa kultura nating mga Pilipino ang pagiging bayani ay nasusukat sa katapangan at sa bilang ng napapatay na kaaway. May iba't-iba itong antas. Ang mga antas na ito ay kinikilala bilang : (1) Maniklad, ang pinakamababang uri ng bayani na nakapatay ng isa o dalawang kaaway, karaniwang siya ay nakasuot ng putong na pula at dilaw. (2) Hanagan naman kung tawagin ang nasa ikalawang antas, siya ay sumasailalim sa riktwal na kung saan ay dapat siyang sapian ni Tagbusaw, ang diyos ng pakikidigma at kainin ang atay at puso ng mga kaaway. Karaniwang nagsusuot ang mga ito ng pulang putong. (3)Kinaboan naman kung tawagin ang makakapatay ng dalawampu hanggang dalawamput pito at karaniwang nakasuot ng pulang pantalon. (4) Luto naman kung tawagin ang makakapatay ng limampu hanggang 100 na kaaway at karaniwang nagsusuot ng pulang jacket. (5) Lunugum naman ang pinakapaborito ng diyos na si Tagbusaw dahil dito maipakikita niya ang kanyang katapangan sa pakikipagdigma kung saaan napatay niya ang kanyang kaaway sa sarili nitong tahanan. Itim ang karaniwang suot ng mga ito. 

Ayon namana kay Dr. Zeus Salazar ang mga bayani ay mga taong naglalakbay at bumabalik sa bayan. Isa rin sa kanyang ipinahiwatig na ang pagkakaiba nang bayani sa salitang heroes. Sinabi niyang ang mga bayani ay lumalaban ng may kooperasyon at ang mga heroe (western concept) ay lumalaban mag-isa. Ang bayani ay hindi kailangang mamatay upang maging bayani, kailangan niya lang gumawa ng magagandang impluwensya at mga gawain sa bayan upang tawaging bayani

May iba't-iba ring ibig sabihin ang bayani ayon sa gamit. Maaraing ang bayani ay 

Ang pagiging bayani sa panahon ngayon ay mahirap makamtan ngunit lahat tayo ay may pagkakataon upang maging bayani sa ating komunidad.



References: 


          Nolasco Ricardo.  Ang Salitang Bayani sa Lipunan at Kasaysayan


INSIGHTS

  • Pagkakaalam ng totong ibig sabihin ng salitang bayani
  • Ang salitang bayani ay hindi hiram na salita nating mga Pilipino, ito'y orihinal at dapat nating ipagmalaki.
  • Ang bayani ng panahon ngayon ay maaring maging tayo.

Heroism Part II

Great Individual as Agent of Social Change

Social change as defined is the relationship between structure and actor. Society cannot be transformed without agency. Social change is primarily influenced by ordinary,people, people with the so called charisma and people with exceptional positions. Change can be also be affected by everyday activities, weak collective behaviors and strong collection of actives , entrepreneurship etc.

Heroic determinism  is constituted by the will of the people within individualism and voluntarism.

Social determinism is a theory wherein a people is driven by immanent forces and insulated form the repent of human individuals. This person understand the society and become a representation of the masses collective idealization for change.

Adaptive Evolutionary lies between heroic determinsm and social determinism

There are also theories on how to become a hero, as mentioned there must be a (1) ripe society, a society that is ready for change (2) golden ages where it is the peak of change (3) Gender w/c is primary male (4) Post human, where a hero must die before being a hero. 

Affecting History
  • Event-making individuals, are the one who knows that they will affect the path of history.
  • Eventful Hero are individuals who don't know that they will affect history by the works they've done.


Reference

  • Sztompka, Ptrior. The Sociology of Social Change (1993).

Heroism Part I 


Agency, Structure and Social Change


Agency is the capacity to act independently and to exercise freedom of choice. Agency is secularized , humanized and socialized. Agency is also shaped and get shaped by the environment.

There are different kinds of agencies that affects social change

  1. Supernaturals 
  2. Natural Forces
  3. Great Individuals
    • not yet socialized.
    • both humanize and socialized
  4. Normal people - they also play a role on social change on the metaphor of market and metaphor of lingustics.
Social change as defined is an aggregated and result of what societal members do for their own private reason. Change may or may not be intended.

Theories of Social 

Walter Buckley and Morphogenesis

A system model is a morphogenic system. Morphogenesis refers to the process on which we find to elaborate or change a system given form, structure or state.

Amatai Etzioni and Active Society

It is the mobilization of societal activation. Human society as explained is a macroscopic and permanent social movement engaged in the intensive and perpetual self transformation.

Alain Tourain and Self-producing Society

Man makes their own history.

Michael Croziel and Ethaniel Fried's Interdependence of Action and System

Systems does not exists without actors. Actors does not exist without a system. They also mentioned the concept of collective learning and the learning society

Anthony Giddens and Structuration 

A description of human conduct, the ultimate motor of structuration is human actor. History is a contingent result of human agency. 

Tom Burns and Upsalla Group

They introduced the theory of rule system, it discusses how structure is being shaped, howw human activities affect the system. Rule systems are the context specific rules that human action which regulates human transformation. Rule regimes are the constraints of social actions and rule grammars are the social rules that done actions of every individual daily with others.

Margaret Archer and Elaborated Theory of Morphogenesis

She mentions two important points, the radical structuring and analytic dualism.

Insights

  1. Society is a product of change.
  2. Change is self-transformation.
  3. The ultimate motor of change is agency
  4. The speed of change are contestable among multiple agents
  5. action occurs in context
  6. Duality of actions. Agency is  both producers and product of change.


References

  • Sztompka, Piotr The Sociology of Social Change (1993).
         



Lunes, Mayo 12, 2014

Text, Signs and Symbols
  
             Upang mas maintindihan natin ang mga bagay bagay sa mga susunod na post ay tatalakayin natin ang mga ilang bagay na mabibigay ng liwanag sa pagkakaintindi ng mga ito.

Ingles 

Text - Something that we can comprehend, read etc. 

Reading- Making sense of the world where everything is placed by.

World - as text, it is not linear nor transparent.

A. Text and Meaning
             
  • has no initialize meaning apart from readers
  • Actualized by the readers or readers interpretation
B. Symbol
  • is a kind of text that exists on time and space
  • it is depends on cultural processes and relationships
  • It is an open text
C. Sign
  • a kind of text which has a fixed meaning or preconditional

Relation of the terminologies to the course:

How people will people see what historical Rizal is (as a sign) and Jose Rizal as a symbol. It will also be used on integrating the different representation of Jose Rizal.

(Kung paano natin maiintindihan kung ano ang makasaysayang Rizal at si Rizal bilang simbulo. Magagamit rin ang mga konseptong ito sa pagsasanib ng iba't-ibang representasyon ni Rizal)


Linggo, Mayo 11, 2014

Ang Kursong Rizal, Ang Basehan nang Pagtuturo Nito at Ang Pilipinas Noong Dekada 50

Sariling Komentaryo

Isang malaking katanungan nating mga estudyante kung bakit kailangang ituro ang kursong Rizal hindi lamang sa kolehiyo kundi sa mataas na paaralan. Marahil malabo sa ating mga Pilipino sa panahong ito kung bakit. Bakit nga ba ito mahalaga? Ano nga bang mapapala natin kung malalaman natin ang mga akda at mga bagay na isinulat ng ating pambansang bayani?   


Sa aking sariling opinyon, sa pagtuturo ng kursong ito, hindi lamang natin makikilala kung sino talaga si Rizal (historical) kundi malalaman natin kung sino talaga siya, mabubulatlat natin hindi lamang ang kaniyang nakaraan kundi pati na rin ang mga desisyon niya at kanyang mga imperpeksyon sa buhay. Makatutulong din ang kursong ito sa pagpapalaganap ng konsepto ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan. Sa kursong ito ri'y maipakikita ang kahalagahan nang paglaban ng ating nasyon noong mga panahong sakop tayo ng mga mapanamantalang mga kastila na pinatay ang konsepto ng pagiging radikal noong dumaong sila sa ating bayan.


ANG PILIPINAS NOONG DEKADA 50

Noong panahon pagkatapos nang ikalawang digmaang pandaigdig (World War II) ay ang panahon ni Elpidio Quirino kung saan umiigiting ang paglaban ng mga Huk at ang panahon rin na kung saan ang ekonomiya ng Pilipinas ay nalulugmok. Itong panahon ring ito'y itinalaga bilang kalihim ng Hukbong Sandatahan si Ramon Magsaysay. Upang mapakalma at matahimik ang pag-aalsa ng mga huk ay ipinahiwatig na ipamahagi ang mga lupain ngunit ito ay hindi pinayagan lalo na ng mga haciendero at mga mag-ari ng mga lupain na malakas ang impluwensya at kapit sa gobyerno. Noong 1954 dahil sa pagkadakila at karisma ni Magsaysay, sumuko ang mga Huk. Dahil sa kanyang kadakilaa'y pinagkatiwalaan siya ng mga mamamayan  at hinirang na presidente ng Pilipinas. Isa sa mahahalagang bagay na nangyari noong panahon ni Magsaysay ay ang pagsasabatas ng RA 1425. Ano nga ba ang RA 1425?



Republic Act of 1425 


Ang pagtuturo ng buhay at mga akda ni Jose Rizal ay base sa isang Republic Act ng ating bayan, ang RA 1425 o mas kilala bilang "Rizal Law" na pinasinayaan ni Presidente Ramon Magsaysay. Ang mga sumusunod ang nilalaman ng naturang batas:




REPUBLIC ACT NO. 1425

REPUBLIC ACT NO. 1425 - AN ACT TO INCLUDE IN THE CURRICULA OF ALL PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS, COLLEGES AND UNIVERSITIES COURSES ON THE LIFE, WORKS AND WRITINGS OF JOSE RIZAL, PARTICULARLY HIS NOVELS NOLI ME TANGERE AND EL FILIBUSTERISMO, AUTHORIZING THE PRINTING AND DISTRIBUTION THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES

WHEREAS, today, more than any other period of our history, there is a need for a re-dedication to the ideals of freedom and nationalism for which our heroes lived and died;

WHEREAS, it is meet that in honoring them, particularly the national hero and patriot, Jose Rizal, we remember with special fondness and devotion their lives and works that have shaped the national character;

WHEREAS, the life, works and writing of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, are a constant and inspiring source of patriotism with which the minds of the youth, especially during their formative and decisive years in school, should be suffused;

WHEREAS, all educational institutions are under the supervision of, and subject to regulation by the State, and all schools are enjoined to develop moral character, personal discipline, civic conscience and to teach the duties of citizenship; Now, therefore,

Section 1.   Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities, public or private: Provided, That in the collegiate courses, the original or unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo of their English translation shall be used as basic texts.

Section 2.   It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate number of copies of the original and unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as of Rizal's other works and biography. The said unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their translations in English as well as other writings of Rizal shall be included in the list of approved books for required reading in all public or private schools, colleges and universities.

The Board of National Education shall determine the adequacy of the number of books, depending upon the enrollment of the school, college or university.

Section 3.   The Board of National Education shall cause the translation of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as other writings of Jose Rizal into English, Tagalog and the principal Philippine dialects; cause them to be printed in cheap, popular editions; and cause them to be distributed, free of charge, to persons desiring to read them, through the Purok organizations and Barrio Councils throughout the country.

Section 4.   Nothing in this Act shall be construed as amendment or repealing section nine hundred twenty- seven of the Administrative Code, prohibiting the discussion of religious doctrines by public school teachers and other person engaged in any public school.

Section 5.   The sum of three hundred thousand pesos is hereby authorized to be appropriated out of any fund not otherwise appropriated in the National Treasury to carry out the purposes of this Act.

Section 6.   This Act shall take effect upon its approval. Approved: June 12, 1956



Nakalagay sa itaas kung ano ang mga probisyon na nilalaman ng naturang saligang batas. Pero upang mapasinayaan ang batas na ito ay dumaan pa ito sa tatlong linggong diskusyon sa senado at sa kamara.

Dumaan din ang batas na ito sa mga pagsubok para maaprubahan at maiparating sa mga mamamayan ng ating minamahal na Inang Bayan ang pagpapahalaga ng ating kamalayan at kalayaan.


Mga Detalye at Ang Pakikipagsapalaran ng Senate Bill 438 at House Bill 5561



Ang Republic Act No. 1425 o "Rizal Law", ay unang nakilala sa pangalang Senate Bill na inilunsad ni Claro M. Recto sa Sendado noong ika-3 ng Abril 1956 at sinuportahan ng lahat maliban sa tatlong senador at binatikos sa mataas na kapulungan. Noong Abril 1756, si Jose P Laurel, bilang Pinuno ngkumite ng edukasyon ay sinuportahan ang nasabing pagpapatupad ng panukalang batas.

Ang orihinal na batas ay naglalaman ng sapilitang pagbasa ng Noli at Fili lamang. Isa sa kanyang mga argumento ni Laurel sa kanyang talumpati ay para mapalaganap ang mga ideya at mga ideolohiya ng pagiging makabayan at kung paano natin nakamtan ang kalayaan noong panahon ng ating pambansang bayayi na sumasalamin sa buhay natin mga Pilipino lalo na sa panahon pagkatapos ng pangalawang digmaang pandaigdig at magkasunod na pananakop nang bansang Amerika at Hapon . Isa rin sa kanyang mga sinabi ay ang pagbuhay ng atying mga mamamayan sa pagmamahal sa ating bayan. Ngunit ang mga kalaban ng batas na ito ay mga kristiyano sadarado de-kandado at ang panilang pananaw ay sinisiraan ang kanilang relihiyon kung mapapasinayaan ang naturang batas at sinabi nilang erehe at binabastos ang Panginoon ang nilalaman ng panukalang batas.

Ang debate sa naturang panukalang bataas ay nagsimula nboong ikaw-23 ng Abril 23, 1956 na pinangunahan nina Senador Laurel at mga nasyonalistang katurang na kung saan nabibilang si Claro M. Recto. Sa kabilang kampo nama'y ang mga Senador na sina Cuenco, Rodrigo at Rosales na kilala bilang kakampi ng simbahan. Sinabi ni Recto sa kanyang talumpati na ang naturang pankulang bataas ay para bigyang halaga ang kontribyusyon ni Rizal sa pagtuligsa sa kasaan ng kolonyang Espanya sa ating bansa. Isa rin sa kanyang mga tinalakay ang ang pagiging bukas ng isip ng mga Piulipino, ang kamalayan ng bansa at ang pagmamalaki nang ating kasarilan ng pagiging Pilipino. Sa kabilang dako, ang kalaban ng panukalang batas ay kumuha ng simpatya at suporta mula sa simbahang katolika at mga mananampalataya nito. Isa rin sa kanilang mga argumento ay ang pagpwersang pagbasa ng mga naturang libro ay kawalan ng kalayaan sa relihiyon.



Ang mapusok na pagtutuos ng mga ideolohiya ay umabot rin sa kamara nang si Jacobo Gonzales ay inilatag ang House Bill 5561 na kawangis nang Senate Bill 438. Ang debate ay nagsumula noong ika-9 ng Abril ngunit noong araw din iyon ay nanglabas ng bagong amyenda na kung saan inalis na ang pagiging sapilitang basahin at insinama ang buhay, mga akda at mga iba pang ginawa ng ating pambansang bayani. Pilit paring tinuligsa ng mga kalaban nito ang unang seksyon nang amyenda ngunit hindi sila nagwagi sa pagkakataong ito. At dito rin nangyari ang kundisyon sa pa paglilibre ng mga estudyante sa pag-babasa nang mga naturang akda sa pamamagitan ng isang pormal na apila. Ang naturang panukalang batas ay naaprubahan sa parehong araw at nanalo sa pangalawang pagbasa. Ang nasabing saligang batas ay nagwagi sa mataas na kapulungan at sa kongreso ay parehong naaprubahan noong ika-17 ng Mayo 1956.

Noong ika 12 ng Hunyo ang saligang batas ay pinirmahan ni Presidente Ramon Magsaysay at naging Republika Kumikilos Bilang 1425.


Insights




  • Ang pag-aaral nang kursong Rizal ay makatutulong para mas maging bukas ang ating isipan sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa ating bansa.
  • Malalaman natin ang pinagmulan nating mga Pilipino at kung ano nga ba ang ating pinagdaanan upang makawala sa kadena ng mga mapanamantalang mananakop.
  • Kung paano tayo magiging isang nasyon at  Pilipino.
  • Para mas maging mapanuri tayo at mas maging radikal.
  • Para maipagbunyi natin ang katapangan ng ating mga bayani sa pagkamit ng kalayaan
  • Upang higit nating makilala si Rizal, hindi lamang ang kanyang mga ginawa, kasama na rin ang kanyang imperpeksyon bilang isang tao.




References: PI 10 Republic Act 1425 pdf. Copy. University Of The Philippines Los Baños
                 https://fbcdn-sphotos-b-a.akamaihd.net/hphotos-ak-                                                                         frc3/t1/1655948_622154281173573_1309742582_n.jpg
    -------Other References to Follow-----------